Connect with us

Iloilo News

Floating Clinic, planong ilagay sa mga isla sa Northern Iloilo

Published

on

Photo from Yola

Pinagpaplanuhan sa ngayon ni Iloilo Governor Arthur “Toto” Defensor Jr. na magkakaroon ng floating clinic o Floating Rural Health Unit (RHU) sa mga isla sa Northern Iloilo.

Ayon kay Defensor, sa pamamagitan nito, hindi na mahihirapan ang mga residente na makatanggap ng serbisyong pangkalusugan.

Aniya, mahirap na para sa mga taga-Isla na pumunta pa sa mainland para magpakunsulta.

Pero paliwanag ni Defensor, magiging mahirap ang nasabing plano. Kailangan pa nila ng floating assets para sa mga kagamitan.

Na ngayon hindi pa malalaman kung ilang floating clinic ang ilalagay sa mga isla sa Northern Iloilo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *