Connect with us

Iloilo News

₱2,000 Multa, ipapataw sa mag-iingay sa oras ng klase sa Iloilo City

Published

on

PAPATAWAN ng ₱2,000 multa ang sinumang gagamit ng mga video/karaoke machines, sound systems at iba pang sound producing devices na makakaisturbo sa mga mag-aaral sa oras ng klase.

Mahigpit itong ipinagbabawal mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado sa lungsod ng Iloilo.

Sa business establishment naman, 500 pesos ang multa kung mag-iingay ang mga ito.

Ayon kay Councilor Love Baronda, magiging epektibo ang ordinansa, pagkatapos ng 15 araw ng publication.

Layon nito na matulungan ang mga estudyante at mga guro na maka-concentrate sa kanilang trabaho.

Samantala ang mga barangay officials naman ang magpapatupad sa nasabing ordinansa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *