Iloilo News
₱100 Milyon, inilaan ng Iloilo City Government para sa Bakuna kontra COVID-19

Published
3 months agoon

INILAAN ng Iloilo City Government ang ₱100 milyon para sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Jerry Treñas, prayoridad ng bakuna ang mga empleyado ng City Hall, mga barangay officials pati ang kanilang pamilya.
Ani Treñas, tinuturing din na frontliners ang mga empleyado ng City Hall at mga punong barangay.
Inihayag ng alkalde na sisiguraduhin niyang makabili ng bakuna kung available na ito sa susunod na taon.
Paliwanag naman ni Treñas, preparasyon lamang umano ito kapag kulang ang budget ng national government.
Mababatid na mayroong mahigit 4,000 regular, jobhires, co-terminus at elective personnel ang lungsod ng Iloilo.
You may like
-
“CERTIFIED JUMPER-FREE STICKERING” INILUNSAD NG MORE POWER
-
“MARAMI PA NAMANG PASKO”: HUWAG MUNA MAMASKO SA MGA NINONG AT NINANG – DUTERTE
-
PILOT TESTING NG FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA LOW RISK AREAS SA COVID-19, SA 2021 INAPRUBAHAN NI PRES. DUTERTE -MALAKANYANG
-
MOBILE SUBSTATION NG MORE POWER, PINAGANA NA SA ILOILO BUSINESS PARK
-
MORE POWER AT OPISYALES NG SAN PEDRO MOLO, MAGTUTULUNGAN SA PAGSAWATA NG MGA JUMPERS
-
PAGLABAS NG MGA MINORS AT SENIOR CITIZENS, LILIMITAHAN NGAYONG DISYEMBRE