Connect with us

Iloilo News

Mga ga-graduate na may latin honors sa Iloilo City, makakatanggap ng cash award

Published

on

Makakatanggap ng cash award ang lahat na ga-graduate na may latin honors sa lungsod ng Iloilo ayon kay Mayor Jerry Treñas.

Pahayag ng alkalde, plano ng tapusin ng kanyang opisina ang naturang programa para makatanggap ang mga may latin honors sa lahat ng eskwelahan sa lungsod.

Makakatanggap ng 1,000 pesos ang Cum Laude, P2,000 sa Magna Cum Laude habang P3,000 naman sa Summa Cum Laude.

Samantala ang gagamiting pondo para sa cash award ay manggagaling sa budget ng alkalde.