Connect with us

Iloilo News

Mga bisita sa birthday, kasal at iba pang okasyon sa probinsiya ng Iloilo, lilimitahan

Published

on

LILIMITAHAN na lang sa miyembro ng pamilya ang mga dadalo sa birthday, kasal, binyag at iba pang okasyon na isinasagawa sa probinsiya ng Iloilo.   

Base sa Executive Order Number 183-C ni Governor Arthur Defenfor Jr, papayagan lamang na makadalo ang hindi miyembro ng pamilya kung isasagawa ang okasyon sa labas ng bahay.  

Ayon sa gobernador, layon nito na mapigilian ang ibang tao na pumunta sa mga tahanan para maiwasan ang local tranmission. 

Batay din sa EO, hindi dapat hihigit sa 75 katao ang dadalo sa convention, seminars, workshops at iba pang pagtitipon.

Pahayag ni Defensor, mahirap i-handle ang maraming tao at may posibilidad na hindi maipatupad ang physical distancing.   

Paalala pa niya, dapat alalahanin ng mga dumadalo sa mga okasyon na iwasan ang face-to-face contact, i-maintain ang 1.5 meters na distansya, huwag manatili ng 15 minuto na kasama ang ibang participant at iwasan din ang physical contact.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *