Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY, NAIS IBALIK SA GCQ SA LUNES, SEPT. 28

Published

on

Image|Mayor Jerry Treñas FB

Nais ibalik ng Iloilo City Government sa General Community Quarantine (GCQ) ang Iloilo City, sa Lunes, September 28, 2020 mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para mabuhay ang ekonomiya sa lungsod.

Ayon kay Mayor Jerry P. Trenas, magpapadala siya ng letter request sa Inter-Agency Task Force para kumbensihin muli ang IATF na i-grant ang kanilang hiling.

Inihayag din ng alkalde, na maglalagay siya ng compliance officers sa lahat na barangay sa lungsod para sila ang magbabantay sa implementasyon sa pagsunod ng health protocols.

Nabatid na nakaraang araw lamang ay nag-request ang alkalde na isailalim sa MECQ ang lungsod ng Iloilo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *