Connect with us

Iloilo News

PRO 6 magde-deploy ng tig-isang pulis sa bawat barangay sa buong Region 6

Published

on

Magde-deploy ang Police Regional Office 6 ng tig-isang pulis sa bawat barangay sa buong rehiyon ayon kay Police Brigadier General Rene P. Pamuspusan, Regional Director ng PRO6.

Ayon kay Pamuspusan ang order ay galing mismo kay PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan sa kanyang 9 point agenda.

Ang nasabing programa ay hakbang ng kapulisan para matutukan at mapaigting ang barangay based anti crime strategy ng kapulisan.

Layunin din ng programa na magtulungan ang kapulisan at ang komunidad sa barangay sa ano mang kalamidad at hindi lang sa panahon ng pandemya.

Batay sa guidelines ng police na i-assign sa barangay, mas mainam kung residente ito ng mismong barangay at dapat magpakita ito ng problem-solving ability, initiative at professionalism.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *