Connect with us

Iloilo News

MALING AKALA: BINATILYO HINDI TOTOONG NA-GANG RAPE

Published

on

Photo| citydesert.wordpress

Hindi totoong na-gang rape ang 16-anyos na bintaliyo ng walong bakla sa boarding house ng kanyang kaibigan sa Barangay Calumpang, Molo, Iloilo City, ayon kay Molo district police chief, Major Engerbert Banquillo.

Ayon kay Banquillo, mismong ang binatilyo ang nag-sumite ng affidavit at nilinaw na tatlong tao lamang ang nang-abuso sa biktima habang sila’y nag-iinuman.

Kinilala ang tatlong suspek na ang kaibigan na nag-imbita sa biktima, isang menor-de-edad at bakla, ayon sa biktima kung saan nagsama rin ito ng saksi sa nangyari.

“Batay sa pinirmahang affidavit ng biktima, apat silang nag-iinuman, at walang panggagahasang nangyari. Pasimpleng nakagat siya ng bakla habang ang dalawang iba pa ay hinawakan ang kanyang katawan” saad ni Banquillo.

Ngayong araw, Septyembre 9, nakatakdang isampa sa City Prosecutor’s Office ang reklamong “acts of lasciviousness” laban sa tatlong suspek.

Matatandaang, sinabe ng binatilyo sa kanyang ina na-gang raped umano siya ng walong bakla habang sila’y nag-iinuman sa boarding house ng kanyang kaibigan.

Nang ito’y makauwi sunod na araw, inamin ng biktima na hubo’t hubad ito nang magising at sinabe sa kanyang ina na  nilagyan ng pampatulog ang kanyang inumin.

via| Panay News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *