Connect with us

Iloilo News

16-ANYOS NA LALAKI, NA-GANG RAPE?

Published

on

Na-gang rape umano ang isang binatilyo ng walong bakla sa lungsod ng Iloilo.

Nangyari ang panghahalay sa biktima sa boarding house ng kanyang kaibigan sa Calumpang, distrito ng Molo sa Iloilo City.

Sa pahayag ng ina ng biktima, nagpaalam ito na pupunta siya sa boarding house ng kanyang kaibigan para mag-inuman.

Aniya ng biktima, makikipag-inuman umano ito kasama ang kaibigan kung saan nakisali na rin ang mga suspek na hindi naman iba sa kanila.

Dahil sa kalasingan, hindi na namalayan ng biktima na nilagyan ng pampatulog ang kanyang inumin kung saan nakita na lamang ang sarili nitong hubo’t hubad pagkagising.

Dagdag pa ng kanyang ina, umuwi ang kanyang anak sa kanilang bahay na nanghihina, iritable, at nilalagnat, dahilan upang magsumbong ang binatilyo na agad namang dumulog sa pulisya.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang kaso.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng mga ito ang resulta ng medical examination sa biktima.

“My personnel are preparing all the needed papers for filing. We are only waiting for the medical exam result of the victim,” saad ni Major Engerlbert Banquillo.

Samantala, desidido naman ang ina na kasuhan ang mga suspek na ngayon ay hindi na mahagilap.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *