Connect with us

Iloilo News

Motorcycle community sa Panay, nirekomenda ang full face helmet imbes na barrier sa motor

Published

on

Photo: Gulf News

Nirekomenda ng riding community ang full face helmet na may visor sa driver at sa angkas ng motorsiklo imbes na mag install ng barrier.

Ito ang pahayag ni Mr. Carlo Shane Eyao, member ng Panay Alliance of Riding Enthusiasts (PARE) sa desisyon ng gobyerno na papayagan ang pag-angkas sa motorsiklo ng mag-asawa at mag-partner.

Ayon kay Eyao, naintindihan niya na ang layunin ng barrier ay para maiwasan ang paghawa ng virus sa rider at sa angkas nito.

Ngunita aniya, delikado umano ang pag install nito, dahil may posibilidad na matangay ang barrier.

Paliwanag pa ni Eyao, ang mga tunay na rider ay naka full face helmet na may visor dahil hindi lang ito proteksyon laban sa COVID-19 kundi proteksyon din sa aksidente.

Dagdag pa ni Eyao, hindi umano na plano nang maayos at walang  konsultasyon sa motorcycle riding community ang proposal na mag-install ng barrier sa motorsiklo.

Via Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *