Connect with us

Iloilo News

6 NA MEDICAL DOCTORS NG ST. PAUL’S HOSPITAL SA ILOILO CITY, NAG-POSITIBO SA COVID-19

Published

on

Photo| Iloilo Today

Nag-positibo sa Covid-19 ang anim na doktor ng St., Paul’s Hospital base sa lumabas na RT-PCR test result nila kahapon.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, naki-pag coordinate na rin siya sa medical director para sundin ang mga protocols upang masigurado ang kaligtasan ng bawat isa.

Kinuhaan ng swab samples Hunyo 26 ang mga ito dahil posibleng nagkaroon ng exposure sa suspect case.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon kung saan nagkaroon ng kontak ang mga doktor kung sa pasyente, kasama sa trabaho o close contacts ang mga ito.

Lima sa mga health workers ang taga syudad samantala 1 ang galing sa Oton.

Sa ngayon naka facility quarantine ang anim na Health Workers na asymptomatic at walang travel history.

Nagpapatuloy sa ngayon ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Samantala, pasado alas 9 naman kagabi ng ilockdown ang St. Paul’s hospital.

Kalakip sa mga temporarily closed ay ER, OR at OPD.

Naka strict quarantine naman ang lahat ng staff sa loob ng ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *