Connect with us

Iloilo News

REPATRIATED OFW NA QUARANTINED SA ILOILO CITY, NAG-WILD DAHIL SA DEPRESYON

Published

on

Kinumpirma ng isa sa mga repatriated OFWs mula sa Manila na naka-quarantine ngayon sa hotel na may kasamahan silang nag-wild dahil sa depresyon.

Ayon sa OFW, nais na nilang makauwi sa kani-kanilang tahanan pero hindi pa sila ma-release dahil wala pa ang resulta ng kanilang swab test.

Inamin nito na maging siya ay nagtataka na rin kung bakit matagal ang paglabas ng resulta.

Kwento pa nito, dumating sila sa Iloilo noong June 4 at kinuhaan sila ng sample noong June 5 pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang resulta.

Nagtanong umano siya kung bakit matagal lumabas ang resulta dahil ang alam niya ay dalawa o tatlong araw lang ang kailangan hintayin bago ito makuha.

Ayon naman sa kanyang napagtanungan ay sira ang machine sa laboratory kaya’t naging mahina ang releasing ng resulta.

Via: Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *