Connect with us

Iloilo News

DILG MAGLALABAS NG SHOW CAUSE ORDER VS 5 MAYOR SA ILOILO DAHIL SA ISYU NG SAP SUBSIDY

Published

on

Kinumpirma ni DILG Iloilo Provincial Director Teodora Sumagaysay na may limang mayors sa Iloilo na makatatanggap ng show cause orders dahil nabigong maabot ang 80% na compliance sa pagbibigay ng Social Amelioration Program (SAP) sa itinalagang deadline na Mayo 10.

Ayon kay Sumagaysay, ang limang alkalde ay mula sa bayan ng Oton, Tigbauan, Tubungan, Alimodian at Leon.

Binigyan ng 48 oras ang mga alkalde para magpasa ng isang written explanation “under oath” kung saan nakasaad ang kanilang dahilan kung bakit hindi natapos ang pagbibigay ng subsidy sa itinakdang oras.

Sinabi rin ni Sumagaysay na ang mga show cause orders ay ipinasa na nila kay Governor Arthur Defensor Jr na siyang magbibigay ng mga ito sa mga alkalde.

Via: Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *