Connect with us

Iloilo News

KAPAG MARAMING PASAWAY, TOTAL LIQUOR BAN IBABALIK SA ILOILO CITY

Published

on

Liquor ban sa Iloilo City binalik ni Mayor Treñas wala pang isang araw matapos alisin

ILOILO CITY – Nagbabala si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na ibabalik niya ang total liquor ban kapag maraming residente ang pasaway at hindi sumusunod sa mga bagong patakaran sa new normal.

Simula ngayong Lunes, May 25, wala ng limitasyon ang pagbebenta o pagbili ng mga nakalalasing na inumin.

Pero ayon sa alkalde, sa oras na may mahuling umiinom sa labas ng bahay, restaurants at sa mga pampublikong lugar ay ibabalik niya ang total liquor ban.

Idiniin rin ni Treñas na ipinagbabawal rin ang pag-inom sa mga sidewalk at barangay facilities.

Sinabi pa nito na kinuha niya ang limitasyon sa pagbebenta o pagbili ng mga alak dahil wala naman umanong umaabuso rito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *