Connect with us

TODO Espesyal

Toothbrush nalunok ng lalaking nagsipilyo ng inaantok

Published

on

By

Photo| Unsplash

Kinailangang sumailalim ng isang lalaki sa gastroscopic operation para makuha ang ang nalunok na toothbrush habang nagsisipilyo sa umaga.

Mula sa Jiangsu, China ang lalaking hindi na pinangalanan.

Kwento niya sa doktor, nakasanayan na niyang gawin sa umaga ang pagsisipilyo bago kumain pero nang mga oras na iyon ay sobra siyang inaantok kaya nabitawan niya ang 15-cm plastic brush.

Sinubukan pa niya itong hilahin pero mas lalo pa itong pumasok sa kanyang lalamunan.

Kaagad siyang pumunta sa ospital at nagpa X-ray bago isailalim sa operasyon.

Sinabi ni Wang Jianrong, head ng Department of Gastroenterology na tama ang ginawa ng pasyente na dumeretso sa ospital kaysa gawin ang mga tradisyunal na paggamot gaya ng paglunok ng kanin o suka na maaaring makasira ng esophagus.