Connect with us

TODO Espesyal

Sariling ari pinutol ng blade para makaiwas sa kasong rape

Published

on

By

Photo Courtesy| https://www.healthxchange.sg/

Kakaiba ang naisipang paraan ng isang lalaki sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur para makaiwas sa kasong rape.

Batay sa ulat Sta. Cruz Police Station (SCPS), pinutol ng lalaking itinago sa pangalang “Jun” ang kanyang sariling ari gamit ang blade nitong Nobyembre 2.

Sa paunang imbestigasyon, pabalik-balik umano sa kanilang tahanan na tipong may problema si Jun.

Pagkatapos ay napag-alaman na kumuha ito ng blade at pinutol ang kanyang ari at bayag sa likod ng kanilang bahay.

Ayaw raw kasi ng biktima na makasuhan ng rape kaya pinutol niya ang sariling ari batay sa mga opisyal ng barangay.

Sa isang panayam naman sinabi ng biktima na may isang babaeng nagbulong sa kanya na gawin ito.

Maayos naman na ang lagay ngayon ni Jun at nagpapagaling na ito sa ospital.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *