Connect with us

TODO Espesyal

Mister, nilagyan ng super glue ang ari ng kanyang misis na nagloko

Published

on

Photo from the web.

Nilagyan ng super glue ng isang 36 anyos na mister ang ari ng kanyang misis nang matuklasan nito na may apat pa itong karelasyon maliban sa kanya.

Natuklasan umano ni Dennis Mumo ang mga mensahe sa text at nakahubad na larawan ng kanyang asawa sa cellphone ayon sa Daily Star sa Kenya.


Nagtatrabaho si Mumo bilang laborer malayo sa kanilang bahay sa Kitui ngunit natuklasan umano nito na nag-uuwi ng iba’t-ibang lalaki ang kanyang misis habang wala ito.

Hindi umano matanggap ni Mumo ang panloloko ng kanyang asawa na nakasama sa loob ng sampung taon kaya’t bago umalis pa Rwanda ay nilagyan nito ng superglue ang ari ng kanyang asawa.

Natagpuan ng mga kapitbahay ang kanyang misis na namimilipit sa sakit at sinugod sa ospital.

Habang naaresto naman si Mumo ng mga kapulisan.

Umamin ito sa kanyang nagawang krimen at sinabing ginawa niya ito para isalba ang kanilang relasyon.

Ani Mumo, may hawak siyang ebidensya ng panloloko ng kanyang asawa.

Nakatakdang humarap sa korte si Mumo para sa kasong isinampa laban sa kanya, habang ang kanyang asawa naman ay mahaharap sa kasong adultery.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *