Categories: TODO Espesyal

IPIS, DINALA NG ISANG LALAKI SA BETERINARYO MATAPOS MAKITANG INJURED

Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng ipis?

Marahil karamihan sa atin ay sisigaw at tatakbo.

Pero paano kapag nalaman mong ‘injured’ pala ang ipis?

Well, ibahin niyo ang isang lalaki mula sa Thailand dahil matapos niyang makita ang isang injured na ipis ay kaagad niya itong dinala sa isang beterinaryo.

Nasaksihan kasi ng lalaki na may aksidenting nakaapak sa ipis sa gilid ng kalsada at nahabag ito sa insekto kaya agad na dinala sa Sai Rak Animal Hospital.

Ayon kay Dr Thanu Limpapattanawanich, isang veterinarian mula sa Krathum Baen sa Thailand, nagkaroon umano siya ng kakaibang pasyente dahil sa dalang ‘injured’ na ipis ng naturang lalaki.

Ikinagulat pa ito ng doktor ngunit dahil sa ipinakitang pagkahabag ng lalaki sa ipis ay kaagad naman itong ginamot ng beterinaryo at hindi na siningil ang lalaki.

Samantala, hindi na rin nalaman kung naka-survive ba ang ipis, subalit, pinuri naman ng netizen ang lalaki sa kabutihang loob nito.

Share
Sarlyn Joy Maloloy-on

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

4 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago