Connect with us

TODO Espesyal

Vietnamese nat’l, katabing matulog ang labi ng asawa sa loob ng 16 na taon

Published

on

Photo| Remate.ph

Sa sobrang pagka-miss, hinukay ng isang lalaki mula sa Vietnam ang bangkay ng kanyang asawang namatay at itinabi sa pagtulog ng halos 16 taon.

Namatay ang asawa ni Le Van noong 2004, magmula noon ay halos igugol na nito ang kanyang buhay sa pagtulog sa sementeryo katabi ng puntod ng kanyang asawa araw-araw.

Napagdesisyunan nito na hukayin na lang ang kanyang asawa at iuwi sa kanila dahil sa masamang lagay ng panahon at pag-ulan.

Una nitong hinukay ang buto ng kanyang asawa at inilagay sa sako pagkatapos ay gumawa ng hugis babae na statwa na gawa sa semento, glue, at buhangin.

Photo from the web.

Nakatawag ng pansin ito sa kanyang mga kapitbahay kaya ini-report siya sa pulisya.

Pero sa kabila ng mga pagtutol mula sa kanyang anak, kapit-bahay at mga otoridad ay walang nakaawat kay Le Van na tabihan ang labi ng kanyang asawa.

Hindi rin siya kayang pigilan ng mga otoridad dahil wala namang batas na nagbabawal na gawin niya ito.

“The local authorities asked Van to bury his wife again and the man agreed. But some time later, local people continued to complain that Van still held the remains in the house. We have done all the way but with the conservative nature of Mr. Van, the incident has not been solved yet,” saad ni Mr. Tran Trong Sanh, namumuno sa Ha Lam.

Wala aniya siyang plano na ibalik sa hukay ang kanyang asawa.

 “People said I’m crazy because I take care of a corpse but I strongly believe that she is always with me. I’ll definitely sleep with her dead body until I die.”

Namatay ang asawa ni Le Van noong 2004.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *