Connect with us

TODO Espesyal

Inasar na mataba: Indonesian sinunog ang kapitbahay

Published

on

Photo by kabarjawatimur via Abante.com.ph

Indonesia – Sobra ang naging ganti ng isang Indonesian sa kanyang babaeng kapitbahay dahil lang sa pang-aasar na siya’y mataba.

Ayon kay Ali Heri Sanjaya, 27, ‘bitter’ umano siya dahil sa patama sa kanya ng kanyang kapitbahay na si Rosidah.

Batay sa report ng Asia One, madalas daw asarin si Sanjaya sa harap ng ibang tao, kinukumpara umano siya sa isang sumo wrestler o isang matabang Chinese actor na si Boboho.

Nakiusap umano si Sanjaya kay Rosidah na isakay siya sa motorsiklo nito para makauwi noong Enero 24.

Ngunit noong makarating sila sa coconut plantation ay pinababa umano ang biktima at sinakal ni Sanjaya.

Matapos nito ay binuhusan ng gasolina ang katawan ni Rosidah at sinunog ito.

Tumakas sa pinangyarihan ng krimen si Sanjayah gamit ang motor ng sinunog at binenta ang cellphone ni Rosidah.

Nakita ang katawan ni Rosidah kinabukasan, at nahuli naman ang suspek sa pinagtaguan nitong hotel noong Enero 28. –Abante.com.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *