Connect with us

TODO Espesyal

MAM at SIR, NAHULI ni MISTER

Published

on

Dingle-Ipinakulong ng 26-anyos na mister ang asawa nitong titser matapos mahuli niya itong may katabing ibang lalake sa mismong kanilang bahay nitong Enero 21.

Ayon sa hepe ng Dingle Police Station, pauwi na umano si mister sa kanilang bahay nang may narinig itong parang may kausap ang asawa niyang 27-anyos.

Sumilip umano si mister sa butas upang matanaw niya kung sino ang kausap ng kanyang misis sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay.

Promodiser ang trabaho ni mister sa lungsod ng Iloilo kung saan lingguhan lang ang uwi nito sa kanila.

Nakita mismo ni mister na magkatabing nakahiga ang misis niya at ang kanyang co-teacher na 29-anyos.

Agad nitong tinadyakan ang pinto sabay pasok sa loob.

Dagdag pa ng mister na Disyembre pa ng 2019 niya pinadududahan si misis.

Kinumpirma naman ng hepe ng Dingle PNP Station na kinasuhan na ng Adultery ang misis at Concubinage naman sa co-teacher nito.

Source: AKSYON

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *