Connect with us

TODO Espesyal

Players in Diapers: kakaibang basketball tournament

Published

on

Larawan ni Kgd. Gemmar Nacor, mula sa Facebook post ni Rex Remitio

Isang kakaibang gimik ang naisip ng mga opisyal ng barangay para sa kanilang Christmas basketball tournament sa Minto, Guinobatan, Albay.

Ang mga kasaling manlalaro ay nakasuot lamang ng diapers. Ayon sa mga opisyal ng Brgy. Minto, inorganisa nila ang palaro upang magbigay saya at aliw sa mga residente ng barangay sa panahon ng kapaskuhan.

Ito ang naging pahayag ng sa isa sa mga kagawad ng barangay na si Hon. Gemmar Nacor sa panayam ng CNN Philippines, “Nilagyan lang namin ng twist para mas masaya. At para hindi magastos, wala nang jersey at entry fee. Sagot din namin ‘yung diapers nila.”

Ang premyo ng nag kampeong koponan ay isang case ng beer at tatlong litson manok.

Matatandaang sa pagbungad pa lamang ng buwan ng Disyembre ng taong 2019, tumama ang Bagyong Tisoy sa bansa at isa ang Guinobatan sa mga nasalanta.

Source:
https://www.facebook.com/RexCNNPH

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *