Connect with us

TODO Espesyal

Guro, naging emosyonal sa pangmamaliit umano ng estudyante sa kanyang pamasko

Marami ang nadurog ang puso sa post ng guro na si Kathleen Jane J. Mendoza.

Published

on

Kwento ng emosyonal na si Teacher Kathleen, pinaghandaan daw niya talaga ang mga keychains para ibigay sa bawat isa sa kanyang hinahawakang klase.

Pinagawa raw niya ito sa kanyang kaibigan kung saan makikita ang larawan ng klase pati na rin ang grade at section nila.

Nagtaka pa raw ang mga kaibigan ni Teacher Kathleen kung bakit bibigyan pa niya ang mga estudyanteng sanhi naman daw ng sakit nito sa ulo at sakit sa lalamunan.

Ngunit excited pa rin ang guro na ipamahagi ang mga keychains sa kanyang mga estudyante bilang pamasko.

Sa kasamaang palad, di ito nagustuhan ng karamihan sa kanyang mga estudyante.

Ang isa sa mga estudyante ay nagsabi pa ng “Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!”

Dahil dito, napagtanto ng guro na kahit ano pa man ang kanyang gawin, di ito sasapat para sa kanyang mga estudyante.

Buong pag-aakala pa naman niya ay magugustuhan ito ng mga minamahal niyang mga mag-aaral subalit, nakakadurog ng pusong malaman ng harapan na hindi.

Samantala, maging ang mga netizens ay nakaramdam din ng kirot sa kanilang puso sa naranasang ito ni Teacher Kathleen.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

Article: Pinoy Clan

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *