Connect with us

TODO Espesyal

Prangka at walang paligoy-ligoy na resignation letter, patok sa mga netizens

Published

on

Photo| Aian Tiong Arroz,

Ibinuhos ng isang netizen ang lahat ng kanyang nararamdaman at daing sa kanyang ginawang resignation letter sa kompanyang kanyang pinagta-trabahuhan.

Mabibigat ang mga hinaing ang binitawan ni Aian Tiong Arroz sa kanyang ibinahaging sulat na pumatok sa mga netizens dahil sa diretsahang paglahad nito sa mga dahilan ng kanyang pag resign.

Inireklamo nito ang walang bayad na overtime at comfort room na walang bidet.

Maging ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay di rin nakaligtas sa reklamo nito.

Hindi rin niya nakalimutan ang mahal na paninda sa canteen ng kompanya at ang masungit na tindera.

Bumanat pa ito na nag-enjoy naman siya sa kanyang pananatili sa kompaya subalit ‘toxic’ na raw ito.

Pumalo na sa libo-libo ang mga reactions at share nito sa social media dahil tila maraming indibidwal ang tila nakarelate sa post.

Ilan pa sa mga netizens ay nagbiro na isa-save nila ang kakaibang resignation letter “for future reference”.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *