Connect with us

TODO Espesyal

Highschool students, pinapanood ng guro ng malaswang video

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Nalalagay ngayon sa alanganin ang isang high school teacher matapos niyang papanoorin ng sex instructional video ang kaniyang Grade 10 Biology class sa Pili National High School, sa bayan ng Ajuy , lalawigan ng Iloilo.

Ang video na ipinapanood sa mga estudyante ay “lewd and offending” umano ayon kay Ajuy Sangguninang Bayan member Angel Briones, at siya ring chairperson ng committee on public order and safety.

Sa kaniyang privilege speech sa regular na sesyon ng Ajuy SB noong Nobyembre 25, idiniin niya ang kaniyang “outmost concern regarding sang ginhimu sang manunudlo showing an obscene, lewd and offending video. It was a form of abuse sa mga minors”

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa nasabing insidente. Naniniwala naman si Dr. Roel Bermejo, DepEd-Iloilo Schools Division superintendent, sa kahalagahan ng due process kung kaya’t pinagsumite niya  ng incident report.ang punong-guro ng nasabing paaralan.

Saad ni Bermejo, “We want to know the details… We will study the principal’s report.”

Dagdag pa niya, ang incident report ng punong-guro ay ibibigay sa director ng DepEd Region 6 na siya ring disciplinary authority. Kailangang maaksyonan ng director ang nasabing insidente sa loob ng 72 oras.

Ang nasabing video na may pamagat na “A Girl’s Guide to 21st Century Sex 2018” ay kinuha umano ng guro sa YouTube.  

Source: Panay News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *