TODO Espesyal
SUPER DRAYBER NG KALIBO, KILALANIN

Published
1 year agoon

Hindi biro ang buhay ng isang tricycle driver. Kailangang suungin nila ang init at ulan para may maiuwing kita sa kanilang pamilya.

Namamasada sa Kalibo ang 37 taong gulang na tricycle driver na si Jimrey Villorent ng Sitio Guba, Tigayon. Ang kaniyang maybahay ay nagta-trabaho sa isang bakery, at habang bumibiyahe ay iniaalok din ni Villorente ang mga tinapay sa kaniyang mga pasahero. Aniya, pandagdag din ito para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang munting pamilya. May isang anak ang ating Super Drayber.
Tunay ngang hindi matatawaran ang diskarte ni Villorente. Isa siyang huwaran sa iba pang padre de pamilya, na doble ang pagsisikap at pagsisipag para sa mga mahal sa buhay. Kaya naman, saludo ang Radyo TODO sa iyo, Super Drayber .
You may like
-
REKLAMO SA MABAGAL NA INTERNET CONNECTION, IPINA-DIYARYO
-
FROM “ADD TO CART,” TO “ADD TO HEART”
-
Inasar na mataba: Indonesian sinunog ang kapitbahay
-
Lalaki lumikha ng dating app na ‘Singularity’ kung saan sya lang ang tanging lalaki na available
-
Triplets na nagtapos bilang cum laude, sabay-sabay ding nakapasa sa 2019 Agriculturist Licensure Exam
-
‘Pagpapaligaya sa sarili,’ maaaring magbukas ng lagusan pa-impiyerno – Major