Connect with us

TODO Espesyal

VIRAL: Guro, binantayan ang baby ng kanyang estudyante na kumukuha ng exam

Published

on

(Photos courtesy of Clariz Jane Lasala)

Nagviral sa social media ang isang guro ng Saint Joseph Institute of Technology sa Butuan City matapos ma-post ang litratong nagbabantay siya ng sanggol ng kanyang estudyante.

Ayon kay Teacher Clariz Jane Lasala, isa sa kanyang estudyante ay nag paalam na ma-excuse sa klase dahil wala umanong magbabantay sa kanyang bata.

“Take the quiz and I’ll take care of your baby,” pahayag ni Lasala sa kanyang estudyante.

“This experience is from above to help me become a person for others and I count this as a blessing. I am blessed and truly full,” saad ng guro sa kanyang post sa Twitter.

Si Lasala ay fresh graduate ng Xavier University-Ateneo de Cagayan, at kasalukuyang nagtuturo ng Business Finance sa loob ng anim na buwan.

“I am happy knowing that the father and the mother of the baby are working very hard for their future and for the baby’s future as well,” aniya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *