Connect with us

TODO Espesyal

BAMBOO LEG

Published

on

Photo Courtesy / Sheena Ituriaga Gallego

Ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng lalaki na gumagamit ng bamboo tube bilang improvised leg sa Iloilo City.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Sheena Ituriaga Gallego, gusto niyang matulungan ang lalaki.

“Sorry po if nagkuha po ako nang picture without your permission …it’s really heart breaking to see you kuya,” saad ni Sheena.

Nakasabay niya umano ang lalaking gamit ang bamboo tube sa jeep sa Iloilo City noong Martes.

“Kasabay ko siya sa jeep kaninang umaga. Pag-upo niya nanotice ko ang left leg niya na gawa lang sa improvise na kawayan. Hindi ko mapigilang lumuha sa kanyang patuloy na pagbiyahe. Manong hindi man lang ako nakakuha ng info tungkol sayo kung ano ang name mo. Hoping na makatulong ako sayo,” dagdag pa ni Sheena.

Ayon sa impormasyon ng News5 , kinilala ang lalaki na si Darius Senillo Inborn daw ang sitwasyon niya at tatlong taon na siyang gumagamit ng bamboo.

Samantala, pumukaw naman sa damdamin ng mga netizens ang kalagayan ni Darius.

“Kahanga hanga ka kuya. Sana matulungan syaa ng mga nakakaangat sa buhay. Kawawa nman. Wala kasi ako kakayahan kuya para tulungan ka. GODBLESS KUYA”

“Isang halimbawa na di natin kelangan magreklamo sa buhay sapagkat tayo ay kumpleto. Maraming taong kulang sa sarili pero nagiging mapursige”

“Ito dapat yung mga nabibigyan ng libreng prosthetic leg😔 Sana matulungan po sya😇😇😇😇😇 God bless you kuya more and more..”

“Ka hanga hanga si kuya salute po ako sayo gumawa sya ng paraan ingat ka po lagi God bless you always 🙏 sa may mga puso alam na ninyo ang gagawin maraming salamat po 🙏

Sa mga gustong tumulong kay Darius Senillo, maaari niyo siyang makontak sa 09505532131.

Via / News5

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *