Connect with us

TODO Espesyal

Babaeng nakipag 3-some sa kanyang 2 BFF, magsasampa ng kaso

Published

on

Isang babae ang nagsumbong sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo laban sa mag-asawang matalik niyang kaibigan na umanoy kanyang naka- threesome.

Ayon sa sumbong ni Anigay Bubila, pinapakalat ngayon ng mag-asawang Ronald Daño at Jenny Daño ang kanilang maseselang video.

Giit ni Bubila, mismong ang misis ni Ronaldo ang kumukuha ng video sa kanila habang sila ay nagtatalik.

Ayon pa sa biktima, ginamit ng mga ito ang video upang i-blackmail siya at hindi makapagsumbong.

Ikinagulat naman ni ng radio host na si Raffy Tulfo ng ikwento ng biktima ang detalye ng mga pangyayari.

Hindi ko na kinaya ‘to, di ko kinaya ‘to, first time in history sa Wanted sa Radyo,” ani Tulfo.

Kaugnay nito, tinawagan nila si Ronald Daño upang kunin ang kanyang panig.

Itinanggi ni Daño ang mga akusasyon ng biktima at inamin na mayroon silang relasyon.

Aniya, kinuhaan lang sila ng video ng kanyang asawa upang gamitin itong ebidensya na mayroon nga silang relasyon ni Bubila.

Hindi po kinakalat ng misis ko yun kasi po kami ni Anigay may relasyon po kami, nanghuhuli lang po yung misis ko kumukuha ng ebidensya,” wika ni Ronald.

Hindi naman makapaniwala si Tulfo sa pahayag ni Daño dahil hindi umano gumawa ng paraan ang kanyang asawa nang makita nito ang nangyayari sa kanila ni Bubila bagkus ay kumuha pa ito ng video.

Gayunpaman, nabatid na kapwa walang trabaho ang mag-asawang Daño at pinaghihinalaang binibenta ng mga ito ang mga video sa mga dayuhan upang pagkakitaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *