Connect with us

TODO Espesyal

KAUNA-UNAHANG SNAKE MASSAGE SA AKLAN, DINARAYO

Kakaibang atraksyon sa bayan ng Kalibo ang dinarayo ngayon dahil sa kakaibang pamamaraan ng pagmamasahe sa isang farm.

Published

on


Kalibo, Aklan – Naging panibagong atraksyon ngayon ang isang farm sa Kalibo na nagbukas ng kauna-unahang snake massage sa probinsiya.

Ito ay matatagpuan sa Brgy. New Buswang, Kalibo na pagmamay-ari ni Ramon Dio.

Aniya, nakita umano niya ang kakaibang aktibidad na ito sa mga sikat na tourist spots na kanyang napuntahan kung kaya’t naisipan niya umanong gawin rin ito sa kanyang farm.

Kaugnay nito, dalawang malalaking Burmese Python at Albino Burmese Python ang nagpupulupot at gagapang sa katawan ng mga bisita na gustong maranasan ang kakaibang therapeutic relaxation mula sa mga ahas.

Ipinasiguro rin niya na ligtas umano ang kanilang snake massage dahil sinanay nila ang mga alagang ahas.

Sa ngayon ay libre lamang ang snake massage sa mga gustong sumubok at donasyon lamang ang kanilang hinihinge.

Pinaniniwalaan ni Dio na malaki ang maitutulong nito sa pagapaunlad ng industriya ng turismo sa bayan at sa buong probinsya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *