Connect with us

History

TODAY IN HISTORY MAY 13, 1981: NABARIL SI POPE JOHN PAUL II SA HARAP MISMO NG ST. PETER’S SQUARE

Published

on

Sa araw na ito, apatnapung taon na ang nakalilipas,  binaril si Pope John Paul II sa harap mismo ng St. Peter’s Square.

Nakasakay ang Santo Papa sa isang kotse nang barilin siya ng 23 taong gulang na si Mehmet Ali Agca, isang Turko na dati nang nakakulong sa salang pagpatay subalit nakatakas sa bilangguan.


Apat ang pinakawalang bala ni Agca at isa rito ang tumama sa tiyan ng Papa habang ang isa ay sa kanyang kaliwang kamay.  Ang ikatlong bala naman ay tumama sa dibdib ng isang 60 taong gulang na Amerikanang si Ann Odre at ang ikaapat ay sa braso ng 21 taong Jamaican na si Rose Hill.

Maswerteng walang tinamaang vital organs sa Papa at agad na naagaw ng mga tao sa paligid ang baril mula kay Agca.

Isinugod sa Gemelli Hospital sa Roma ang Santo Papa kung saan sumailalim siya sa operasyon na nagtagal ng higit sa limang oras.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.