Connect with us

History

TODAY IN HISTORY MAY 5, 2007: IKINULONG SI PARIS HILTON SA LOOB NG 45 DAYS

Published

on

Walang pinipili ang batas. Mahirap man o mayaman, pag may nilabag ka, kulong ka. Hindi umubra ang huli pero di kulong  sa celebrity na si Paris Hilton, dahil sa kabila ng yaman at kasikatan, minsan na rin siyang nagpalipas, hindi lang ng isang gabi, sa piitan.


Noong  May 5, 2007, inaresto si Hilton dahil sa speeding, pagmamaneho ng nakapatay ang headlights, at walang lisensya. Hindi ito ang unang beses na nahuli si Paris Hilton dahil sa pagmamaneho ng lasing.

Nauna na siyang naaresto noong 2006 sa kaparehong paglabag. Kinumpiska at sinsuspinde ang kaniyang lisensya, pinagmulta,  at isinailalim sa tatlong taong probation. Pero dahil muli na naman itong nangyari nang sumunod na taon, tuluyan na siyang nasintesnsiyahan ng 45 days na pagkakakulong.

Si Hilton ay isa sa mga tagapag-mana ng isa sa pinakamalaking hotel chain sa buong mundo na Hilton Hotel. Siya rin ang kumanta ng Stars are Blind, at bumida sa reality TV show na The Simple Life.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.