Connect with us

History

Today in PH History – Nanalo ng silver medal sa Olympics si Anthony Villanueva

Published

on

Noong Oktubre 21, 1964, nanalo si Anthony Villanueva, isang Filipino amateur boxer, ng silver medal matapos makipaglaban sa featherweight division (57 kilograms) ng 1964 Olympics na ginanap sa Tokyo, Japan.

Si Villanueva ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng isang Olympic silver medal. Hindi niya napanalunan ang gintong medalya nang matalo kay Stanislav Stepashkin ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR) sa isang kontrobersiyal na final gold medal match.

Kinikilala si Villanueva bilang isa sa mga pinakamagaling na atletang Pilipino.  At hindi lang siya ang magaling na boksingero sa pamilya.  Ang kanyang ama na si José Villanueva ay isang bronze medalist sa bantamweight division (54 kilograms) ng boxing competitions sa 1932 Olympic Games sa Los Angeles, California, USA.

Ang dalawang Villanueva lamang ang mag-ama na kapwa may napanalunan na Olympic medals sa kasaysayan ng sports.


BASAHIN: Gymnasts Carlos Yulo pasok na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *