Connect with us

Health

Pinakamataas na bilang na kaso ng COVID-19 na umabot sa 22,366 naitala kahapon

Published

on

Highest daily count PH Covid19 case

Kahapon, Agosto 30, 2021, naitala ang panibagong record high o ang pinaka mataas na bilang ng kaso na nag positibo sa COVID-19 kada araw sa bansa, simula nang tumama ang pandemya.

Ayon sa DOH, may naitalang 22,366 na bilang bagong kaso, bagamat may 2 laboratoryo pa ang hindi nakapag sumite ng kanilang datos. Dahil dito, pumalo na sa 1,976,202 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa Pilipinas, kung saan nasa 148,594 naman ang active cases.

Mayroong 222 ang mga namatay para sa 33,330 na kabuuang bilang, habang nasa 16,864 naman ang mga gumaling sa sakit para sa 1,794,278 na total recoveries.