Connect with us

Health

Pilipinas may 8 aktibong kaso ng Delta variant matapos mag-positive muli ang “recoveries”

Published

on

delta variant

Batay sa Department of Health (DOH) ngayong Martes, July 20 na mayroon ng walong aktibong kaso ng mapanganib na COVID-19 Delta variant ang bansa, matapos mag-positive ulit sa RT-PCR tests ang mga recoveries.

Una ng na-tag bilang mga “recoveries,” ang walong tao na nag-positive muli sa RT-PCR tests at sa katunayan ang bilang ng mga aktibong kaso ng Delta variant sa Pilipinas ay zero na nitong Biyernes, Hulyo 16.

Ang mga aktibong kaso ay nagmula sa: Manila (1), Cagayan de Oro (4), at Misamis Oriental (1). Habang ang natirang dalawa ay returning overseas Filipinos, ito ay batay kay DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Lahat sila ay walang sintomas. Sila ay mino-monitor ngayon hanggang matapos nila ang 14-day quarantine,” sinabi niya sa isang online press conference.

Ang mga “recoveries” kahit tapos na nila ang kanilang 14-day isolation, kailangan pa rin nila sumailalim ng retesting bilang karagdagang screening para sa Delta cases. Kinakailangan nila mag-retesting ulit bago sila makalabas.

“Some of them are still completing their isolation period and we retested them. They are currently in isolation facilities. Some of them already finished their isolation period and we retested them.” sabi ni Vergeire.

Hindi mapaliwanag ng DOH kung bakit ang walong taong may Delta variant na naka-recover na dapat, nag-positive muli sa COVID-19. Hanggang ngayon pinag-aaralan pa nila ang circumstances ng infections.

Experts have said that it is still possible for individuals infected with COVID-19 to test positive again for the virus even after completing the isolation period. But it doesn’t mean that they could still pass the virus on.

Ayon sa mga eksperto, possibleng ma-infect muli ng Covid-19 ang mga indibidwal na nag-positive sa virus kahit natapos na nila ang isolation period. Pero, hindi na daw nila mapapasa ang virus sa ibang tao.

“These cases, lahat sila halos ‘yung CT (cycle threshold) values nila mataas. Ibig sabihin mababa na ‘yung viral load sa katawan so most likely hindi na sila ganoon ka-contagious,” paliwanag ni Vergeire.

Sinabi nang una ng DOH, mayroong 35 na mga Filipino infected ng Delta variant, kung saan tatlo ang namatay at ang natira ay nakarecover na sa disease.

Source: Rappler, ABSCBN