Health

Patak Centers sa mga subdibisyon, itatayo

Pinaplanao ng Department of Health (DOH) na magtayo ng mga ‘Patak centers’ sa mga subdibisyon upang mabigyan ng oral polio vaccine ang mga batang naninirahan sa mga naturang gated communities.

Ito ay matapos na mag-report ang mga vaccinators ng DOH nahirapan umano sila na pasukin ang mga gated communities para magdaos doon ng door-to-door polio mass immunization.

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Eric Domingo, na siya ring tagapagsalita ng DOH, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga homeowners’ associations ng mga subdibisyon upang payagang makapasok ang kanilang mga vaccinators.

Aniya, plano na rin nilang magtayo ng “Patak Centers” sa mga subdibisyon upang maging mas madali ang pagpapasilidad ng oral polio vaccination.

Magha-hire din sila ng mga private pediatricians upang tumulong sa kanilang immunization efforts.

Sa kabuuan naman, sinabi ni Domingo na tagumpay ang paglulunsad sa Sabayang Patak kontra Polio sa Metro Manila at ilang lugar sa Mindanao.

“It was generally successful although right now I don’t have the figure for Mindanao. But there was not much resistance to the vaccination,” ani Domingo.

Kumpiyansa naman si Health Secretary Francisco Duque III na bago matapos ang kanilang mass immunization kontra polio sa Oktubre 27 ay mababakunahan nila ang 95% ng mga batang nagkaka-edad ng limang taong gulang pababa.

Sa pagtaya ni Duque, aabot sa mula 20 hanggang 25% na ang mga batang nabakunahan nila sa unang dalawang araw pa lamang ng mass immunization.

Hinihikayat naman ng kalihim ang mga residente na bisitahin ang mga ‘patak’ centers na malapit sa kanilang lugar.


KONSEHAL NG LUNGSOD PINAALALAHANAN ANG LAHAT LABAN SA POLIO.
Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago