Connect with us

Health

Nagbabala ang mga health experts na posibleng mayroon ng community transmission ng mas mapanganib na Delta variant

Published

on

delta variant

Nagbabala ang mga health experts na posibleng mayroon ng community transmission ng mas mapanganib na Delta variant. Kailangan na daw maghanda ng Pilipinas para sa susunod na pagtaas ng infections matapos madetect ang virus sa 11 na mga tao na hindi naman bumiyahe sa ibang bansa.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong isang linggo na mayroon ng local transmission ng Delta strain, ngunit nanatili silang tahimik habang patuloy pa silang nag-iimbestiga ng link sa mga kasong ito.

“But, if I may speculate, it’s difficult to not consider a possible community transmission already happening,” ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante.

Nangyayari ang isang local or community transmission kapag ang isang tao ay nakahawa ng isa pang indibidwal at pareho silang hindi umalis ng bansa.

Pero ayon kay government adviser Dr. Edsel Salvana, mas mainam na maghintay muna para sa genome data upang ma-map out ang variant transmission.

“If the different places show very closely related viruses, then that may be the case. But if they show different genome sequences, then these are separate introductions,” sabi niya sa isang text message.

Unang naiulat ang Delta variant sa India at hanggang ngayon, patuloy itong nagbibigay ng pinsala sa maraming bansa sa buong mundo.

Sa isang Viber message kahapon, si Solante na parte rin ng government’s Vaccine Expert Panel, ay nagbahagi ng mga katanungan na dapat masagot: “Where did these local cases come from? Are they index cases or secondary cases?” (An index case refers to the first patient in a certain population.)

Sabi niya, na ang mga Delta cases na “clustered” sa iba’t ibang mga rehiyon ay isa ng “sign that a possible local transmission is already happening.”

Sa isang hiwalay na online interview, sinabi ng dating government health adviser Dr. Tony Leachon na “the current high positivity rates in different and distant provinces and cities such as Davao, Iloilo, Bacolod, Mariveles, General Santos City, Cagayan de Oro, Baguio and Laoag signified active transmission.”

“Our local transmission of Delta variants is underreported due to lack of genome surveillance studies particularly in hot spots outside of the NCR (National Capital Region),” ayon kay Leachon.