Connect with us

Health

MGA BABAENG MENOPAUSE, POSIBLENG MASAKTAN HABANG NAKIKIPAGTALIK

Published

on

Photo| https://circlein.com/

Nagme-menopause ka na ba? O malapit ka nang mag-menopause?

Napag-alaman na may koneksyon pala ang pagiging menopause ng babae sa kanyang pakikipagtalik.

Ang menopause ay normal ng nararanasan ng mga kababaihan kapag sila ay tumatanda, pero meron nga bang tamang edad kung kailan dapat magmenopause ang isang babae?

Ayon kay doctor Nemencio Necodemus Jr, isang expert sa internal medicine at Endocrinology, depende sa edad kung kailan unang dinatnan ang isang babae malalaman kung mas maaga siyang magmenopause o mas matagal.

Dagdag pa ng doktor hindi ibig sabihin na nag-menopause na ang isang babae ay bawal na silang magtalik ng kanyang asawa.

Subalit, dapat maintindihan ng mga nagme-menopause na mga babae na kasabay ng pagme-menopause, nagkakaroon din ng change o pagbabago lalo na doon sa lubrication.

Dahil dito maaring makaramdam na umano ng sakit ang babae kapag siya ay nakikipagtalik sa kanyang asawa dahil hindi na siya well-lubricated.

Pahayag pa ni Necudemos na kapag nasa menopausal stage na ang isang babae, kadalasang nawawalan na sila ng gana na magkaroon ng sexual relation sa kanilang asawa o mga partner.

Samantala, payo naman ng doktor na maari pa naman silang magkaroon ng iba pang paraan upang maging lubricated at maiwasan ang nararamdamang sakit sa kanilang pakikipagtalik.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *