Connect with us

Health

Mahigit 375,000 na Pfizer vaccine ang dumating sa Pilipinas kahapon July 26

Published

on

Pfizer vaccine

Mahigit 375,000 doses ng Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine ang natanggap ng Pilipinas nitong Lunes.

Mayroong kabuuang 375,570 Pfizer doses ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ito yung pangalawang tranche ng 40 million Pfizer vaccine na binili ng gobyerno.

“It will be distributed to the National Capital Region (NCR), Cebu, Davao, and others who have not yet received it before because capable na sila ngayon,” sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taino sa isang media interview.

Ngayong Martes ng umaga, mahigit 51,000 doses ang ipapadala sa Davao City.

May inaasahang rin ang gobyerno ng karagdagang 6 milyong bakuna na dadating ngayong buwan.

Ang Pfizer vaccine ang unang candidate na binigyan ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas at na-aprubahan siya ng Food and Drug Administration (FDA) noong Enero 14.

Base sa mga unang reports, mayroong kabuuang 3,034,980 doses ng nasabing brand ang naipadala sa bansa bago ang pinaka-latest na shipment.

Umabot na sa 31,360,700 doses mula sa anim na manufacturers ang kabuuang vaccine supply ng bansa. Kasama sa mga manufacturers ang Sinovac, Oxford AstraZeneca, Gamaleya, Moderna, Pfizer, at Johnson&Johnson

Nilalabanan ng Pilipinas ang isa sa pinakamalubhang outbreaks ng coronavirus, kung saan ang local transmission ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant ay lumalala na.

Plano ng gobyerno na mapabakunahan ang 58 hanggang 70 milyon ng 109 milyong populasyon ngayong taon upang makamit ang herd immnunity.

Nitong Hulyo 25, 17,202,421 doses na ang na-administer kung saan mahigit anim na milyon na ang kumpletong nabakunahan laban sa COVID-19, habang 11,113,107 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna, ito’y ayon sa data ng gobyerno.

Source: PNA, ABSCBN

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *