Connect with us

Health

Delay sa reimbursement of claims ng PhilHealth para sa COVID-19 patients, labis na apektuhan ang mga pribadong ospital

Published

on

Private Hospital claims

Delay sa reimbursement of claims ng PhilHealth para sa COVID-19 patients, labis na apektuhan ang mga pribadong ospital sa harap ng bagong pagtaas ng mas nakakahawang Delta variant, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc (PHAPI) ngayong Sabado.

Ayon kay PHAPI president Jose Rene de Grano, ang mga private hospitals ay ina-advance ang payment para sa COVID-19 cases at inaasahan na ma-reimburse ang mga gastos sa loob ng 2 o 3 buwan matapos ang pag file ng mga claims.

“Ngayon, kung hindi po ito mabayaran kaagad katulad ng nangyari nitong mga nakaraang taon medyo mapipilay ang pondo na ginagamit ng mga private hospitals. Hindi sila katulad ng government facilities na may budget lagi buwan-buwan na dumarating,” sabi niya.

Inamin ng PhilHealth kahapon, na hindi pa ito naisasayos ang bilyong pisong hospital claims.

“Nakapag-usap na kami with [PhilHealth] president [Dante] Gierran nitong last Tuesday and sinabi nila pinafast-track nila ‘yung amount na around P25.6 billion na payment para sa mga hospitals. These are both government and private hospitals at sana po maayos kaagad ‘yun nang sa ganun maibalik ang pondo ng ating mga different hospitals,” sabi niya.

Batay sa PhilHealth, dadag-dagan nila ang kanilang mga staff sa COVID-hit offices para mapabilis ang pagbayad ng mga hospital claims. I-eextend rin nila ang debit-credit mechanism na kung saan ang PhilHealth ay magbabayad ng 60 percent ng hospital claims, habang in-process pa sila.

Sinigurado ni de Grano ang publiko na mag-proprovide parin ng services ang mga private hospital sa abot ng kanilang makakaya.

Advertisement

“Tuloy-tuloy po ang serbisyo ng mga private hospitals. Hangga’t kaya po ng mga ospital, tuloy-tuloy po ang kanilang operasyon.” saad ni de Grano.

Batay sa kaniya, ang limitasyon lang ng mga pribadong hospital ay ang manpower.

“Kahit gusto naming mag-expand ng number of beds, ‘pag wala po kaming nurses na mag-aalaga sa ating mga COVID patients ay hindi namin magagawa,” aniya.

Dagdag pa niya, estimate niya na kalahati ng kanilang mga miyembro ay nasa critical level na, lalo na at patuloy parin ang pagtaas ng mga kaso.

“Hindi ko masabi ang tunay na data, siguro more than 50 percent ng mga miyembro namin nandoon na sa high risk, critical occupancy,” dagdag pa niya.

Source: ABSCBN

Advertisement