Connect with us

Health

SINOPHARM COVID 19 VACCINE NG CHINA, MAARI NANG GAMITIN ‘FOR EMERGENCY USE AYON SA WHO

Published

on

Larawan mula sa FierceBiontech.com

Binigyan na ng ‘for emergency use’ approval ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm Covid-19 vaccine na dinibelop ng China.

“This afternoon, WHO gave emergency use listing to Sinopharm Beijing’s Covid-19 vaccine, making it the sixth vaccine to receive WHO validation for safety, efficacy and quality,” ani Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng WHO .


Ayon pa kay Tedros, ang Sinopharm ay dagdag sa mga bakuna na maaaring bilhin ng COVAX, isang inisyatibo na layong bigyan ang iba’t ibang mga bansa ng pantay na access sa Covid-19 vaccines.  Layon din nitong bigyan ang mga bansa ng kakayanang  pabilisin ang ang kanilang sariling regulatory approvals at imports.

Sinuri ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) ng WHO ang mga datos at napag-alamang may efficacy rate ito na 78.1 percent at inirekomenda ang paggamit ng bakuna sa mga edad 18 pataas.  Magiging two-dose schedule daw umano ang pagbabakuna ng Sinopharm, ani Tedros.

Ang Sinopharm vaccine ay gumagana sa pamamagitan ng pagtuturok ng inactivated SARS-CoV-2 coronavirus sa ating katawan.  Dahil inactivated ang mga virus, hindi ito makapagdudulot ng COVID, sa halip,  natuturuan nito ang ang ating immune system kung paano gumawa ng antibodies laban sa SARS-CoV-2 coronavirus.

Matatandaang binigyan na rin ng emergency use authorization ng WHO ang mga bakunang gawa ng Pfizer/BioNTech, Astrazeneca-SK Bio, Serum Institute of India, Janssen at Moderna.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *