Connect with us

Health

PAGTUROK NG COVID-19 VACCINE SA MGA BUNTIS, MAKAPAGBIBIGAY PROTECTION SA MGA SANGGOL SA SINAPUPUNAN

Published

on

pregnant vaccine

Maipapasa umano ng mga buntis  sa kanilang mga sanggol ang proteksyong dulot ng COVID-19 vaccine, base sa pag-aaral na ginawa sa Israel.

Sa nasabing pag-aaral, nakitaan ng mga antibodies ang mga sanggol sa sinapupunan ng 20 buntis na tinurukan ng dalawang dose ng Pfizer/BioNTech.  Ang mga buntis ay tinurukan nang sila ay nasa ikatlong trimester ng pagbubuntis at naipasa sa mga sanggol ang antibodies sa pamamagitan ng placental transfer.

“Our findings highlight that vaccination of pregnant women may provide maternal and neonatal protection from SARS-CoV-2 infection,” ayon sa resulta ng  pag-aaral.

Ang mga natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Hadassah- University Medical Center sa Jerusalem ay inilathala sa medRxiv, isang online distribution service para sa mga unpublished research manuscripts na hindi pa napi-peer-review.

Pahayag ng mga nagsagawa ng pananaliksik, maliit umano ang sample size ng naturang pag-aaral kaya kailangan pa ng dagdag na imbesigasyon.  Kailangan pa nila umanong  tukuyin ang mga epekto ng bakuna sa iba’t ibang yugto ng pagdadalantao, pati na ang kaligtasan at pagiging epektibo ng iba’t ibang mga bakuna.

Ayon kay Dana Wolf, isa sa  mga nagsagawa ng pag-aaral, nag-uumpisa na ang kanilang grupo na alamin kung gaano katagal mananatili ang antibodies sa katawan ng mga sanggol.

Sinabi naman ng Pfizer Inc at BioNTech SE na nagsimula sa silang magsagawa ng 4,000-volunteer international study upang matukoy ang kaligtasan at pagiging epektibo ng kanilang bakuna sa malulusog na buntis.

Aalamin din umano sa trial kung maipapasa ng mga nabakunahang buntis ang mga antibodies sa kanilang mga anak.

Sa isang hiwalay na pag-aaral na ginawa naman sa US, napag-alaman na ang mga antibodies na na-produce ng mga buntis mula sa  mRNA COVID-19 vaccines tulad ng Pfizer/BioNTech and Moderna Inc ay naipapasa sa mga sanggol sa pamamagitan ng placenta o gatas.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *