Connect with us

Health

SPA SA EGYPT, SAWA ANG MASAHISTA

Published

on

Snake Spa
Larawan mula sa www.indiatimes.com/

Kapag ahas na ang pinag-uusapan, siguradong hindi mo maiisip ang salitang relaxation, hindi ba?

Pero alam nyo ba na mayroong isang spa sa Cairo, Egypt na gumagamit ng ahas upang i-masahe ang kanilang mga kliyente?

Talaga ngang hindi para sa mga matatakutin ang spa na ito kung saan ang mga kliyente na gustong ma-relax ay pwedeng mamili ng kanilang mga bet na ahas na siyang pagagapangin sa kanilang likod at mukha.  Huwag umanong mabahala, dahil hindi naman makamandag ang kanilang mga ginagamit na ahas.

Sa isang 30-minutong sesyon, papahiran ng massage oil ang likod ng kliyente saka ilalagay at papagapangin ang mga pythons o ibang mga non-venomous na ahas.

Ayon sa may-ari ng spa, maliban sa nakakapagpa-relax, ang mga snake massages daw ay nakatutulong din upang maibsan ang mga pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan.  Napabubuti din daw nito ang sirkulasyon ng dugo at nakatutulong na makapaglabas ang katawan ng endorphins, ang hormone na nagdudulot ng pakiramdam ng pagiging masaya at maginhawa.

According sa Reuters, layon din umano ng spa na mapabago ang negatibong pananaw at alisin ang pagkatakot ng mga tao sa mga ahas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *