Connect with us

Health

Bilang ng nasawi sa nCov, umakyat sa 54

Published

on

Image|©People's Daily China

Patuloy ang pagsirit ng bilang ng mga namatay sa novel coronavirus sa China, na nitong Linggo ay napaulat na 54 na ang death toll ng nasabing virus.Ads by AdAsia

Sa Hubei province, ang episentro ng virus, 13 ang namatay habang naitala ang 323 bagong kaso ng virus.

Dahil dito’y umakyat na sa 1,610 ang kumpirmadong nagkaroon ng nasabing virus.

Dahil dito’y naka-locked down na ang lampas dosena na siyudad sa Wuhan province, ibig sabihin ay wala munang nakakapasok at nakakalabas sa ilang lugar.

Daan-daang military doctor na ang sinugod sa Hubei para lapatan ng lunas ang mga pasyente na tinamaan ng virus, at minamadali din ang pagpapatayo ng iaang hospital na tinatayang makukumpleto ng 10 araw para sa mga nagka-novel coronavirus.

Article: ABANTE

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *