Connect with us

Health

FDA, nagpaalala sa mga physician na iwasan ang anumang engagements sa mga kumpanya ng sigarilyo at vapes

Published

on

Photo from the web.

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng physicians sa bansa na iwasan ang anumang engagements o ugnayan sa mga kumpanya ng sigarilyo at vapes.

Sa inilabas na advisory number 2019-501, pinaiiwas ng FDA ang mga medical officer, medical specialist, at scientist na payagan ang lahat ng kahilingan ng nasa tobacco industry.

Nakokompromiso anila ang medicine, public health pati na ang pangakong protektahan ang mga Pilipino mula sa kapahamakan.

Nakatanggap kasi ang FDA ng mga ulat na may mga kumpanyang nagre-recruit ng physicians sa private at public sector para sa kanilang disinformation campaign na layong ipakilala ang e-cigarette p vape bilang mabisang alternatibo.

Paliwanag ng ahensya, ang heated tobacco products, e-cigarettes, at non-nicotine delivery system ay napatunayan nang nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng publiko bukod pa sa epekto ng tradisyunal na sigarilyo.

Sa katunayan, nanawagan pa ang American Medical Association na i-ban ang mga produkto hangga’t hindi naaaprubahan at nare-regulate ng US-FDA.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *