Connect with us

Health

Pimples o Tigyawat: Ano nga ba ang pinagmulan?

Published

on

Photo from the web.

“Sana all clear skin”

“Ano skin care routine mo?”

Mga pahayag ng mga taong nanghihingi ng tips, o gustong maachieve ang nauuso ngayong clearskin o glass skin tulad ng sa mga Korean.

Ang pimple o tigyawat ay normal lamang sa mga kabataan ngayon dahil sa puberty o pagbabago ng hormones. Ito ay sanhi ng sobrang stress o kapag sobra ang pagproduce ng oil sa ating mukha. Ang mga dumi ay bumabara, naiimpeksyon ang balat at namumula at nagkakaroon ng maliit na umbok sa mukha.

Ito ay ilan lamang sa mga sanhi ng pagkakaroon ng pimples o tigyawat.

  1. Beauty Products

Ang mga pinapahid o inilalagay natin sa mukha ay maaaring magdulot ng pimple o acne. Dahil sa mga kemikal na ginagamit natin, may mga sangkap itong hindi bagay o hindi hiyang an gating balat.

  • Paghawak sa mukha

Ang ating kamay ay may mga bacteria na kumakapit sa muka tuwing hinahawakan natin ito. Kung tayo ay mayroong pimple o acne na, maaari itong lumala sapagkat bumibilis ang oil production ng ating oil glands.

  • Toothpaste

Isa sa mga misconception nating mga tao ang paggamit natin ng toothpaste kapag tayo ay may pimples. Kabaliktaran ito sa pagpapagaling ng ating mga tigyawat. Pinapatuyo nito ang mga pimples subalit nag iiwan ito ng mga scars na maaari ulit pagmulan ng pimples.

Ilan sa mga tips kung paano maiwasan ang pimples.

  1. Itali ang buhok

Ang pagtatali ng buhok ay makakaiwas sa pagkakaroon ng pimples dahil naiiiwasan nitong matusok ang ating balat.

  • Iwasan ang paglalagay ng make up

May mga sangkap ang make up na hindi hiyang ang ating balat kaya’t nagkakaroon ng reaksyon an gating mukha.

  • Kumain ng masusustansyang pagkain

Ang pagkain ng gulay at prutas ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng pimples. Naglalaman ito ng mga vitamins at minerals na mabuti sa ating katawan.

  • Huwag ugaliing hawakan ang mukha

Ang ating kamay ay may mga bacteria o mikrobyo na nagiging sanhi ng pimples. Ang mga duming ito ay babara at maaaring magkaroon ng impeksyon sa ating balat.

Ito ay ilan lamang sa mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng pimples o tigyawat at paraan upang maiwasan ang mga ito. Ikaw Ka-Todo, anong skin care routine mo?

Sources: http://kalusugan.ph/mga-gamot-o-lunas-sa-tigyawat-o-pimples-acne/ , http://phildigest.jp/hidden-causes-of-acne/

Via| Mark Oliver Dearoz

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *