Connect with us

Health

SAKANG O PIKI? KAIBAHAN NG MGA DEPORMASYON SA BINTI

Ang mga binti ang sumusuporta sa buong itaas na bahagi ng katawan kapag nakatayo ang isang tao.

Published

on

Kaya naman nararapat lamang na ang pares ng binti ay manatiling tuwid, matibay, at malakas. Ngunit sa kasamaang palad, may mga pagkakataon na ang mga buto sa binti ay kumukurba at nagkakaroon ng depormasyon dahil sa ilang mga kondisyon at pagkukulang sa nutrisyon. At ito ay nagreresulta sa pagiging piki (knock-knee) o sakang (bow-legged) ng mga binti.

SAKANG (BOW-LEGGEDNESS)

Ang pagiging sakang, o genu varum sa terminong medikal, ay ang kondisyon kung saan ang mga binti ay kumukurba palabas na tila pana (bow). Kadalasan, ito ay dulot ng karamdaman o kakulangan ng nutrisyon sa katawan na pumipigil sa pagtigas ng mga buto sa binti. Sa kalaunan, ang buto ay bumabaluktot at humahantong sa pagiging sakang.

PIKI (KNOCK-KNEE)

Ang pagiging piki, o genu valgum sa terminong medikal, ay ang kondisyon naman na tumutukoy sa pagbaluktot ng binti paloob at kadalasang nagdidikit ang mga tuhod. Ito din ay dulot ng karamdaman o kakulangan ng nutrisyon sa katawan na pumipigil sa pagtigas ng mga buto sa binti.

Article: Kalusugan

Continue Reading
Advertisement
2 Comments

2 Comments

  1. Syra navarro

    May 9, 2020 at 8:16 am

    Nkikita ba sa binti ng isang sangol kung itoy sakang
    Nadadala ba ito sa hilot ng binti kung ang isang sangol n 2month old ay posibling maging sakang..

  2. Syra navarro

    May 9, 2020 at 8:24 am

    Pakisagot nmn po salamt

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *