Connect with us

Health

LANSONES BILANG HALAMANG GAMOT

Scientific name: Lansium domesticum Correa; Lansium javanicum Koord. & Valet.

Published

on

Common name: Lansones (Tagalog); Langsat (Ingles)

Ang lansones ay isang tropikong halaman na kilala sa Pilipinas dahil sa bunga nito na maaaring kainin. Ito ay may mataas na puno at may pahabang-bilog na dahon. May bunga din ito na karaniwang nakikita naman sa mga pamilihan kung napapanahon. Karaniwang tumutubo ito sa ilang lugar sa Pilipinas partikular sa mga lalawigan ng Laguna at Camiguin.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA LANSONES?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang lansones ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang bunga ay may sucrose, saccharose, fructose and glucose, at ang balat ay may tannin.
  • Ang balat ng lansones ay may lansium acid na isang lason. Mayroon pa itong volatile oil at resin
  • Taglay din ng prutas ang protina, carbohydrates, fiber, calcium, phosphorus, vitamin A, thiamine, riboflavin, at ascorbic acid

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

  • Balat ng kahoy. Madalas pakuluan ang balat ng kahoy ng puno ng lansones at ipinaiinom sa may sakit. Maaari din itong patuyuin at pulbusin upang maipantapal sa kondisyon sa balat.
  • Dahon. Ang dahon ng lansones ay maaari ding gamitin sa paggagamot sa pamamagitan ng paglalaga nito, at pag-inom sa pinaglagaan.
  • Buto. Ang dinikdik naman na buto ng lansones ay inihahalo sa inumin upang makagamot.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LANSONES?

1. Pagtatae. Mabisa para sa kondisyon ng pagtatae ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy ng lansones.

2. Lagnat. Ang mataas na lagnat ay maaaring humupa sa tulong ng pag-inom sa tubig na hinaluan ng dinikdik na buto ng lansones.

3. Bulate sa sikmura. Makatutulong din sa pagpurga ng mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa tubig na may dinikdik na buto ng lansones.

4. Tusok ng alakdan (scorpion). Ang tusok ng alakdan ay may lason kung kaya’t maaring mamaga ang bahagi ng katawan na natusok nito. Makatutulong ang pagtatapal ng pinulbos na balat ng kahoy ng lansones sa apektadong bahagi ng katawan.

5. Free radicals. Ang bunga ng lansones ay mabisang antioxidant na lumalaban sa mga free radicals sa katawan.

6. Malaria. Matutulungan din ng balat ng kahoy ng lansones na mapigilan ang sakit na malaria. Iniinom ang pinaglagaan ng balat ng kahoy.

Article: KALUSUGAN

PAALALA: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *