Connect with us

Health

Dry skin o Panunuyo ng Balat

Published

on

Photo│https://affderm.com

Sintomas ng panunuyo sa balat:
1. Pakiramdam na nababanat ang balat, lalo na kung naliligo, o nag-swimming.
2. Ang balat ay kumukulubot o kulang sa tubig (dehydrated)
3. Ang balat at mukha at magaspang sa pakiramdam.
4. Nakararamdam ng sobrang pangangati.
5. Pagka-tuklap, pagbabalat, o pangangaliskis ng balat.
6. Pagkakaroon ng guhit-guhit o pagbibitak ng balat.
7. Pamumula.

Dahilan ng panunuyo ng balat:
1. Air condition o heater – Ang mga direktang init at lamig gaya ng lutuang ginagamitan ng kahoy o gatong, o mga pang-pa-init ay nakakapanuyo ng balat.
2. Sobrang pag-ligo – Ang pag-ligo ng madalas gamit ang mainit na tubig ay nakawawala ng natural na moisture sa iyong balat. Gayundin ang paliligo sa swimming pool na may chlorine.
3. Matatapang na sabon na pang-ligo at panlaba – Marami sa mga sabon ang nakaka-panuyo ng balat dahil sa matapang na anti-bacterial soap, shampoo at mga detergent.
4. Pagbibilad sa araw – Gaya din ng ibang uri ng init, ang araw ay nakakatuyo ng balat. Nasisisra ng ultraviolet (UV) radiation ang unang layer ng ating balat. Ang balat na na-damage sa araw ay nakapagdudulot ng panunuyo.

Ang gamutan ay i-moisturize palagi ang balat, gumamit ng mild soap, at limitahan ang oras ng pagligo.

Source: Doc Willie Ong

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *