Connect with us

Health

IWAS-DENGUE TIPS UPANG MAGING LIGTAS KAPAG MAY DENGUE OUTBREAK

Ngayong nagdeklara na ng Dengue outbreak sa Aklan, paano makakaiwas sa sakit na ito? Panoorin ang paliwanag ni Aklan PHO I Cornelio V. Cuachon, Jr ukol sa kung paano isagawa ang tinatawag na ENHANCED 4S.

Published

on

Nagdeklara ng Dengue Outbreak ang Department of Health – Center for Health Development (Western Visayas), ito lamang ika-15 ng Hulyo kaugnay ng pagtatala ng mataas na kaso ng dengue sa buong rehiyon.

Ayon sa DOH regional data mula Enero hanggang sa ika-anim ng Hulyo, ang Western Visayas ay nakapagtala ng higit sa 16,000 kaso ng dengue, at halos 90 na ang namatay dahil sa dengue.

Dahil dito, ang Radyo Todo 88.5 FM, kaakibat ang Todo Media Productions hay nananawagan sa mga Aklanon na makipagtulungan sa kampanya kontra dengue.

Upang mapigilang ang pagdami ng lamok na nagpapakalat ng dengue virus, sundin natin ang 4S strategy:

Kung walang lamok, walang Dengue”
– Dr. Cornelio Cuachon, Jr., Aklan PHO I
Upang masugpo ang Dengue, kailangan puksain ang mga lamok.
Photo credits to http://www.malagaweb.com/
  1. Search and destroy possible breeding places of mosquitoes – Ang mga lamok na carrier ng dengue ay kalimitang nakatira sa mga lugar kung saan hindi dumadaloy ang tubig.  Mainam kung itapon natin ang mga tubig na natitipon sa mga flower vase, palanggana, at iba pang mga lalagyan ng pwedeng makapag-imbak ng tubig.  Makatutulong din kung lilinisin natin ang loob at labas ng bahay upang hindi ito pamahayan ng lamok.
  2. Self-protection –Magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas, mga pantalon o jogging pants, at mahahabang medyas.  Ito ay upang hindi ma-expose ang ating balat sa mga lamok.  Makabubuti kung matingkad ang kulay ng mga damit na susuotin upang hindi dapuin ng lamok.  Makatutulong din ang pagpapahid ng mga insect-repelling lotion. 
  3. Seek early consultation– Kung makakaramdam ng sintomas ng dengue (tulad ng lagnat na nagtatagal ng sobra sa dalawang araw, pananakit ng ulo at katawan, pagsusuka, at pagdurugo ng ilong at galagid), magtungo na agad sa pinakamalapit na health center or ospital at magpakonsulta sa doctor.  Mas magiging madali ang gamutan kung mas maaagang mabibigyan ng lunas ang pasyente.  
  4. Say yes to Fogging only in hotspot areas – Sa panahon ng outbreaks o mataas na bilang ng kaso ng Dengue sa isang lugar, pinapayuhan ang mga tao na makiisa sa kontrolado at responsableng pagpa-fogging.  Ito ay upang masiguro na epektibo at ligtas ang isinasagawang fogging.

Lahat tayo ay may magagawa upang malabanan ang Dengue. Maliit man o malaki, ang simple nating mga kontribusyon ay makatutulong upang matigil na ang pagkalat ng sakit na Dengue.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *